Saturday, April 30, 2011

WALA LANG...

Eto ay wala lang. tuldok. period. wala. basta…wag nyo akong pansinin. wag nyo akong intindihin. wag kayong makialam., basta wla lahat! alam nyo ba kung bakit? dahil akoy walang-wala!

Sa panahon ako’y nag-iisa, maraming mga bagay na dapat kung isipin kahit hindi na dapat intindihin, may mga bagay na pwedeng gawin na hindi ko magawa-gawa dahil sa iniisip ko bakit, pa?…mga iyak na wla namang silbi dahil wala naman nakakarinig, mga dasal na hanggang bigkas na lamang at di siguradong matutupad…

matanong ko lang ha? Paano ba ang lumimot sa pag-ibig? wala bang pormula o paraan ang siyensya para ni katiting di na maramdaman ang lintik na pag-ibig na yan? Para atang pinaglalaruan lang tayo nito, ah? Kahit man sabihin nyo na mali ako? magka-iba tayo! iba ang karanasan ko, iba ang pangalan ko, at kapalaran ko? Pano kung eto na talaga ang kapalaran ko? may magagawa ka ba para matulad sayo? Yes, opo…Love can wait. at kusang daw dadating eto? eh, pano kung sa akin hindi? pano, habang buhay ko syang mamahalin, kahit na hindi nya ako mahal? pano kung alam ko sa sarili ko na patuloy kung dadalhin na umasa na tugunan ang pag-ibig ko sa kanya? May magagawa ka ba? para maniwala ako sa’yo na kailangan ko ng mag move-on?

Hay, naku? naguguluhan ka sa akin, anu? Dahil nga magkaiba tayo! Marahil, ngingisi ka ngayon, ngiting aso, humahalakhak, nagpapakasarap…ngunit pano ako? Hanggang dito nalang ba ako? Matanong nga kita? Ask lang ako ha? pwede ba?

Ano ang gagawin mo kung ikaw ay ako?

Maguguluhan ka rin ba? Magtatanong? Ano?! o kagaya ka rin sa akin na iiyak nalang sa isang sulok…, at mangarap na sana, sana at wlang katapusang sana….

Naguguluhan ka ano? kasi nga magkaiba tayo! At sinabi ko na sayo kanina na wag mo akong pansinin…dahil eto ay “WALA LANG.

1 comment: