Saturday, May 7, 2011

ISANG SIMPLENG TREAT PARA KAY MOTHER ( MOTHER'S DAY SPECIAL)

ISANG SIMPLENG TREAT PARA KAY MOTHER (MOTHER’S DAY SPECIAL)

Ako, sa bahay di ganun ka open pagdating sa pagpapakita ng pagmamahal sa magulang. Honesly, di kami sinanay na maging close sa isat-isa openly, but then we feel the love of the family sa pamamagitan ng pagtutulungan anuman ang dumating na pagsubok sa pamilya.

Ngayong araw , May 8, 2011 ARAW NG MGA DAKILANG INA ika nga nila. Halos lahat ng may facebook account ayun, expressing their love kay mother because araw nila ito.
Ang mga sumusunod naisip lang naman ng may akda para maging espesyal o simpleng pagdiriwang sa araw ng mga ina. IKAW? Ano ang gagawin mo ngayong araw ng mga ina?


Subukan ang mga sumusunod:

1. Greet your mother sa facebook- Sa ating modernong mundo, iilan nalang yata ang walang facebook account. Halos nalang yata ang shout out sa facebook ay tungkol sa mga dakilang ina. Hindi man nababasa eto ni mother dahil wala ngang FB account atleast naipahayag naman nating ang ating pagmamahal sa kanya.

2. I-text mo naman siya- Kung malayo ka sa mother mo, at gusto mo talagang I greet sya ng HAPPY MOTHER’S DAY aba’y ano pa ang hinihintay mo? Itext mo na siya. Wag mo namang antayin na siya pa magparamdam sa text, obvious naman yon na baka nagparamdam lang yon para itext mo sya.

3. Padalhan sya ng CARD, FLOWER, AT GIFT - Sa mga anak naman na medyo na afford to buy something para kay nanay. Abay? Bilhin mo na? Mas masarap ang feeling ng isang ina pag sya ang bida sa araw na ito. Bumili ng card na basta mo nalang ibigay sa kanya, sulatan mo naman ha? At of course, di lang girlfriend ang dapat padalhan ng flowers, e paminsan-minsan naman your mom. Tandaan minsan lang to!?

4. Ikaw Muna Magluto ngayon ANAK, ha.- Kung carry mo naman magluto ngayong araw , E di, GO NA! kahit na prito, okay na yon! Di ka man showy sa pagpapakita ng pagmamahal sa ina. Aba’y sa mga luto ko naman mapapasaya mo sya.

5. KUMAIN SA LABAS, KASAMA ANG BF/GF- Eto naman double purpose eto, sa mga nahihirapang magsabi na sila ay may karelasyon na, dahil nga medyo strict si mother. Ano pang hinhintay mo? Samantalahin mo na ang araw na ito. Di naman magtataray si mother dahil nga MOTHER’S DAY! Yon nga lang mag –ingat sa mga segue na usapan, pag isipan ang mga gagawing move, of course, araw pa rin ng mga ina ito.


6. MANOOD NG SINE KASAMA ANG BUONG PAMILYA- Dahil nga SUNDAY ngayon, masarap mag liwaliw kasama ang pamilya. At dahil si mother ang bida ngayon, siya naman ang papiliin mo ng palabas sa sine. At isa pa, sya naman magbabayad eh? Ang importante Masaya siya na kasama ka.

7. HAPPY MOTHER’S DAY SA NANAY NG TAONG MAHAL MO- Bonus points eto sa mga anak na may nililigawan. Sabi nga, samantalahin ang araw na to para makilala ang nanay ng nililigawan mo? Malay ba niya kung ano motibo mo? Wag maging selfish dapat share mo rin sa iba ang araw na ito.

8. I LOVE MY MOTHER IN LAW- Para naman sa may asawa na, its time na para maidama mo naman sa nanay ng asawa mo na importante sya sayo. Kalimutan mo muna ang awayan ha. MOTHER’S DAY NGAYON.

9. GO TO CHURCH today WITH MOM, GULATIN MO SILA!- Go! Gulatin mo sila ngayong araw dahil at last nakita ka nila sa simbahan! Di ka man makaligtas ka, “Bakit ka nandito?” sabihin mo na lang PEACE BROTHERS, MOTHER’S DAY NGAYON.

10. MAGING EMOTERO KING NGAYONG ARAW- At dahil araw ng mga ina ngayon, emote to the max ka muna. Ok lang naman maglasing ka para masabi mo lahat sa ina mo kung gaano mo sya kamahal. Lubos lubusin mo na ang araw na ito, pero wag lang masyadong OA ha, hehehehe

Sampu lamang ito sa mga maari mong gawin para sa dakilang ina mo. Alam ko marami ka pang mga magagandang ideya para mapasaya ang mga nanay natin. Iisa lang naman ang nais ang mapasaya at bigyan halaga ang nai ambag ng mga ina. Ano man ang paraan mo? Gawin mo na! NOW NA!

HAPPY MOTHER’S DAY SA LAHAT NG MGA NANAY!

No comments:

Post a Comment