Saturday, April 30, 2011

Sa Seneguelas St.

SA SENEGUELAS ST.

Sa Seneguelas Street, tila nag umpisa ang lahat…
Mga Pangarap na nais matupad, mga ngiti ng barkada na tila wala ng katapusan pa…
Sa pitas ng gitara at paboritong mga kanta sa saliw ng musikang kinakanta.
Araw na tila wala ng pag-asa noon, sa Seneguelas Street muling bumangon…
Sa larong TRUTH OR CONSEQUENCE tila nababasa ang buhay ng barkada
Sadyangsaya ang aking nadarama sa mga barkadang tanggap ka…
Mga hinanakit at kanya-kanyang kahinaan aking nasaksihan..
Nagpapatunay sa tunay na kulay na buhay..

MOVIE MARATHON ang trip noon, mga pelikulang nais panoorin…
Natatandaan nyo pa ba? Mga pelikulang JOHN LLOYD AT BEA?
SEX DRIVE, MISSTAKEN at iba pa?
Mga matatamis na alaala, ng barkada alam kong tatagal pa?
Kahit na sa panahong sinusubukan, ang barkada naman ay nandiyan lang.
Sa tuwing sasapit ang gabi, naiisip ang mga luto ni INDAY…
Tila barkada at pamilyang maihahatulad…
Sa mga kaganapan ng barkada

Sa SENEGUELAS STREET naipapamalas….
Dumating ang panahon tila ito’y maglalaho…
Sa kasagsagan na ako’y bagsak at litung-lito…
Ang barkada tila mauuwi sa wasak at parang dinaanan ng dilobyo…
Naguguluhan kung saan papanig? Di alam kung paano matatapos…?
Ng barkadang sa Seneguelas Street nabuo at matatapos?
Tanong ko lang naman? Kung sa inyo ay ito ay WALA LANG?…
Sa akin naman ito ay krus na pasanin, kaibigan.
Sa mga barkada aking sineryoso…
Tila ba? Ay magbabago?

No comments:

Post a Comment