Thursday, October 25, 2012

“A BLESSING IN THE STORM” – MY EXTRAORDINARY TRIP TO BALUT ISLAND




1st part

October 20-25, 2012 are the best days happened to my  entire life- a beautiful travel to Lipol, Balut Island Sarangani Davao Del Sur.

 Isang paglalakbay na animo’y hinaharap si kamatayan sa galit ng mga alon, pero sa dakong paparoon, isang nakatagong paraiso”.


GEOGRAPICAL LOCATION OF BALUT ISLAND

Balut Island, the westernmost of the Sarangani Islands, is the larger, higher, and better cultivated than Sarangani Island. In the center of the island is Balut Volcano, which is fumarolic on occasion. With an elevation of 2,828 feet (862 m), if seen from the northwest, it appears between two peaks. Near the southwest point there is another volcano and in the southeast part is Ten Seventy Hill with an elevation of 1,083 feet (330 m). The north and east coasts are bordered by a reef, which in some places extends out over 1 mile, while on the south and west sides the fringing reef does not extend out to any distance. Off the southwest point is a rock 40 feet high. Lajan Point, the northeast point of the island, is low and covered by mangroves.  SOURCE : http://en.wikipedia.org/wiki/Balut_Island
Puting Bato Fort Gensan


At Puting Bato Port, Gensan.

OUR DEPARTURE

Isa sa mga di malilimutang byahe ang araw na ito. Ang grupo namin na kinabibilangan ni Sir Jess Wao-my mentor sa college, Jay Nofiel, Henry- SMIT students, Jefferson Canete Jr, student  and Sai, the sister of Sir jess. Ito ang unang pagkakataon na bibisita ako sa nasabing isla. Tamang tama at maganda ang panahon sa araw na yaon. Lahat ng mga mangyayari ay First time sa isip ko. Eto ang unang pagkakataon para masilayan ang ganda ng isla, unang pagkakataon para makita at makumusta ang mga
 suking tigpaminaw ng DXMD RMN GENSAN, unang pagkakataon  para masaksihan ang LIPOL GRACE ACADEMY, ang bagong paaralan, at una sa mga estudyante na magkaroon ng Intramurals 2012 .11:25 pm sa may Puting Bato Gensan lulan ng Orlan J, isang cargo vessel tinatahak na namin ang baybayin papuntang Paraiso. Maganda ang panahon. Walang unos!

1:45 AM, ( October 21, 2012) eto na! nagsisimula ng magalit ang dagat, kasabay ng malakas ng ulan at para ng dinuduyan ang Bangka na aming sinakyan! Patay lahat ng ilaw! At parang 2 storey na gusali  na alon ang makikita mo sa labas ng Bangka.Parang mga eksena sa pelikulang TITANIC lang feeling ko noon. But God saves us!


A small boat is using to transfer goods and people to island.


Below are some pictures for you to explore the hidden paradise of Balut Island.



Hot spring in Sabang Lipol Balut Island
 Arya na! we are ready to swim....







We are free! Me, Sai, Henry & Jay






 My own version of Lapu-lapu steak ala balut

 At Lipol Balut Island Sarangani Dvo del sur

 Fresh fish for breakfast awaits us.

 Beautiful sunset at Sabang Lipol Balut





More stories to read here in my blog. Just wait for some other part.






FOR YOU....

ITO AY ANG TULA NAISULAT KO PARA SA ISANG TAONG ESPESYAL SA AKIN, SA KASAGSAGAN NG PAGLALAKBAY


Ito ay ang tulang naipangakong isulat....
Kasabay ng paglalakbay sa isang paraisong nakatago...
May isang damdaming pinapakawalan para makalimot...
Pag-ibig na kailanman di magbabago...
Pero pilit na pakakawalan doon sa kabilang paraiso...

Ilang araw na tayo'y nagkakilala...di kayang iwasan ang pag-ibig na nadarama...

Pero andun yong takot na baka lumisan ka...
Sa paglalakbay na ito, tanging text mo lamang ang laging inaantay...
Sa pier patungong paraiso, ikaw ang laman ng isip...
Tanging dasal ko lamang na sana matapos ang paglalakbay na ito, muli akong 
haharap sa ano man ang gusto mo...

Sa katauhang yon, muli kong ipabatid ang tunay kong pagmamahal, na kahit masakit man hangad
ko rin ang iyong kagustuhan...

Sunday, September 23, 2012

TGKK SEEN & SCENE



TGKK SEEN & SCENE

September 24,2012

TGKK SEEN : Ang pinagdedebatihang isyu tungkol sa pelikulang The Innocence of Muslim kung dapat bang ipalabas sa bansa ang nasabing short film.

TGKK SCENE: Ang palaging napuputol na TV ads ng KCC MALL OF GENSAN. Palaging napuputol at hindi natatapos ang TV ads ng KCC MALL, at nasasapawan ng national ads.

TGKK SEEN: Ang successful na tree growing activity ng DXMD RMN GENSAN sa may Tokawal National High School.

TGKK SCENE: Sunod-sunod ang papamaril sa gensan kahapon.

TGKK SEEN: Ang mainit na pinilahan ang Starbucks na nasa SM CITY GENSAN.

TGKK SCENE:  Pinanood ni Emotero King ang trailer ng The Innocence of Muslim. Uulitin pa nito mamaya.

TGKK SEEN: Ang inaabangang bagong programa ng DXMD RMN GENSAN, kasama si Emotero King. Naka schedule na rin ang LIVE GUESTING ng mga TGKK ADMIN sa nasabing bagong programa.

TGKK SCENE: Invisible si Admin Sie sa TGKK GROUP PAGE. 

Thursday, September 20, 2012

TGKK SEEN & SCENE:



TGKK SEEN & SCENE:
September 21, 2012

TGKK SEEN: Di pahuhuli ang mga pulis sa listahan ng mga kasong involved sa extortion, kidnapping at iba pa.

TGKK SCENE: Ang balita tungkol sa isang mangingisda na taga gensan matapos itong mapatay ang pating sa laot.

TGKK SEEN: Magulo ang istilo ng buhok ni Dyll Bartolaba kanina sa MUS (Magandang Umaga socsargen). Mas maganda kung makikita ang magandang mukha ng babaeng host.

TGKK SCENE: Sa Tokawal Elementary School, idadaos ang tree growing ng DXMD RMN GENSAN bukas (September 22, 2012)

TGKK SEEN: 400 ang magiging bisita ng GENSAN mula sa bansang Brunei, Malaysia, og Indonesia para sa BIMP-EAGA FRIENDSHIP GAMES.

TGKK SCENE: Isang kahera ang binaril patay sa may Silway, GENSAN.

TGKK SEEN: Ang mas epektibong online journalist gaya ng mga bloggers.

TGKK SCENE: Di klaro ang mukha ni TGKK ADMIN Acas Nanding sa kanyang profile pic.

TGKK SEEN: Ang larong basketball ang pangunahing libangan ng mga TGKK ADMIN. Ayon sa pinagkakatiwalaang source, sa may Bigshot, MSU High school
gym at sa Lagao Gym sila naglalaro.   

Wednesday, September 19, 2012

TGKK SEEN & SCENE



TGKK SEEN & SCENE
September 20, 2012

TGKK SEEN:  Ang pinagkakaguluhang presyo ng relo ni Congressman Manny Pacquaio. Umabot sa limang milyon ang halaga ng relo ng kongresista.

TGKK SCENE: Ang napakarami at puspusan ang mga promotion ng Bear Brand. Mapa radyo, telebisyon, at sa mga grocery stores ang promo ng Nestle Philippines.

TGKK SEEN:  Ang mainit na bangayan ni Senator Antonio Trillanes IV at Senate President Juan Ponce Enrile.

TGKK SCENE: Dalawang miyembro ng PNP GENSAN na lasing na nagpaputok ng baril sa loob ng Camp fermin Lira, inalis sa pwesto.

TGKK SEEN: Ang 16 anyos na taga gensan na di umano’y ginahasa ng kaibigan ng kanyang boyfriend.

TGKK SCENE: Bangkay ng isang buntis natagpuan sa may Tampakan South Cotabato. Nasa state of decomposition na ang nasabing buntis.

TGKK SEEN: Ang araw-araw na sex stories ng YAHOO NEWS. Trending ang mga nasabing article sa yahoo.


Tuesday, September 18, 2012

TGKK SEEN & SCENE





TGKK SEEN & SCENE

September 19, 2012

TGKK SEEN:  Ang paghahanda ng gensan sa paparating na El Niño phenomenon. Naglaan ng pondo ang LGU GENSAN para masuportahan ang industriya ng pagsasaka sa gensan nasabing tagtuyot.

TGKK SCENE: Mas lalong panonoorin ng mga manonood ang documentary film na Innocence of Muslim dahil sa naging kontrobersyal ito lalo na sa mga Muslim.

TGKK SEEN: Ang mga Christmas songs na maririnig na sa mga FM stations sa gensan.

TGKK SCENE: Birthday ngayong araw nina Pastor Mike Sarsaba at Engr. Jeffrey Leonora ng RMN GENSAN.

TGKK SEEN: Parang galit na  galit si Joey Conception sa mga pulis involved sa kotong sa kanyang komento sa Magandang Umaga Socsargen ( MUS) .

TGKK SCENE: Ang Gensan ang host city para sa  BIMP-EAGA Friendship Games sa darating na Disyembre.

TGKK SEEN: Magaling kumanta si Acas Nanding TGKK ADMIN, ayon sa source na aming nakalap.




Monday, September 17, 2012

TGKK SEEN & SCENE




TGKK SEEN & SCENE

September 18, 2012

TGKK SEEN:Mukhang lamang na lamang ang ABS- CBN kagabi sa rating. Hindi magawang mailipat ang channel sa mga kaabang-abang at patapos na mga serye ng The princess and I, Walang Hangga, at Lorenzo’s Time.

TGKK SCENE: Ang mga balitang malapit na ang katapusan ng mundo.

TGKK SEEN: Ang di pahuhuling SUPERMARKET ng KCC MALL OF GENSAN. Mas malaki pa rin ito kumpara sa mga supermarket ng mga malls sa Gensan.

TGKK SCENE:  Ang inaabangang concert ni runner-up American Idol Season 11 Jessica Sanchez sa Pilipinas.

TGKK SEEN: Kasado na ang Pacquaio- Marquez fight sa darating na Disyembre 8 sa MGM GRAND ARENA, LAS VEGAS NEVADA.

TGKK SCENE: Isang habal-habal driver sa may landan  Polomolok, ang patay matapos itong saksakin ng di kilalang suspek.

TGKK SEEN: Ang magaling na acting performance ni Paulo Avelino sa tele seryeng Walang Hanggan.

TGKK SCENE: Ang mabilis na loading system ng VMOBILE. Makakapag online loading sa VMOBILE.

Sunday, September 16, 2012

TGKK SEEN & SCENE



TGKK SEEN & SCENE

September 17, 2012

TGKK SEEN: Ang pagpalit ng profile picture ni TGKK ADMIN IRELAN DITCHON. Blooming si admin Irelan sa kanyang bagong PP.

TGKK SCENE: Ang masarap at malutong na fresh lumpia ng House of Cashews sa KCC MALL OF GENSAN. Pinu promote ng House of Cashews ang mga organic na pagkain.

TGKK SEEN: Parang buong ABS- CBN ang tumutulong na mai promote ang pelikulang THE MISTRESS. Mapabalita man at sa mga shows, todo ang kanilang promotions.

TGKK SCENE: Ang excited na si Mommy Dionisia Pacquaio sa kanyang bagong bahay sa may Barangay San Isidro.

TGKK SEEN: Ang preparasyon ng mga lugar ng Socsargen para sa 7th Brunei Indonesia Malaysia Philippines- East Asia Growth Area (BIMP-EAGA) Friendship Games. Sa darating na disyembre ang nasabing palaro.

TGKK SCENE: Ang bonggang papremyo ng RMN NETWORKS sa promo sa radyo na MILYON-MILYUNG PAPREMYO SA ANIBERSARYO. Umaabot sa 3 milyon pesos ang ipamimigay ng RMN sa pagdiriwang nito ng ika 60 na taon na anibersaryo.

TGKK SEEN: Ang ibang pulitiko na ginagamit na rin ang mga social networking sites para sa pangangampanya.


Saturday, September 15, 2012

TGKK SEEN & SCENE



TGKK SEEN & SCENE

September 16, 2012

TGKK SEEN: Ang masayang ZUMBA PARTY sa SM CITY OF GENSAN.

TGKK SCENE:  Ang bantang papatayin si Britain’s Prince Harry. Kahapon ang balitang dalawang US MARINES ang namatay at swerteng nakaligtas ang prinsipe matapos lusubin ng mga TALIBAN ang kampo sa Afghanistan kung saan naka destino si Prince Harry.

TGKK SEEN: Ang napakaraming cut sa mga pelikula na ipinapalabas sa TV ng dos.

TGKK SCENE: 3  pulis sa Gensan  ang naidagdag na sinampahan ng kaso na involved sa extortion.

TGKK SEEN: Ang nakaka inspire na kwento ng WISH KO LANG kahapon.

TGKK SCENE: Libre ang legal consultation ngayong Miyerkules sa KCC MALL OF GENSAN. Ito ay isa sa mga proyekto sa pagdiriwang ng IBP NATIONAL LAW WEEK.

TGKK SCENE: Ang lantarang pag deklara ng mga tatakbo sa gensan sa 2013 elections.

TGKK SEEN: Ang magandang feedback ng mga manonood sa pelikulang THE MISTRESS.




Thursday, September 13, 2012

TGKK SEEN & SCENE


TGKK SEEN & SCENE

September 14, 2012

TGKK SEEN: Ang nakakabitin na ending ng pelikulang THE MISTRESS ng Star Cinema.

TGKK SCENE: Ang pagpirma ng GENSAN WATER DISTRICT at DXMD RMN GENSAN ng memorandum of agreement sa isang proyektong TREE GROWING. Kasama rin sa nasabing proyekto ang IBP GENSAN.

TGKK SEEN: Ang pagdiriwang ng National Law Week.

TGKK SCENE: Ang pinaghahandaang bagyong KAREN na patuloy na lumalakas.

TGKK SEEN: Ang nakaka dagdag atraksyon ng iisang kulay na mga traysikel ng Polomolok South Cotabato.

TGKK SCENE: Batikos ang natanggap ng isang artikulo sa Yahoo Philippines hinggil sa planong pagtakbo di umano ni Anabelle Rama bilang kongresista ng Cebu.

Saturday, March 10, 2012

Alas tres ng umaga, at hindi makatulog na tila nangangamba. Nagtatanong sa buhay kung kumusta na? Mga mahal na naglaho na lamang na parang bula?

Sa isang kwarto’ng naka kulong, ang isang bugso ng damdamin pilit pinapakawalan…kung iisipin? Binibigay ko naman lahat para maging Masaya pero tila may mga bagay lang na di sapat at kulang?

Bakit kaya ginawa ang isang malungkot na umaga?Isang matamlay na hamog na tila nagpapaalala sa mga mahal at kaibigang nawawala? Isang umagang maramdaman mo nalang mga luhang bumabagsak…

Umaga. Tanaw ang isang bangkang papalayo, tanging liwanag lang ang naaaninag , inaanod ng isang napaka lungkot na alon.

Malayo man, wala kang ibang maririnig kundi ang hampas ng alon.Napakalungkot na umaga samyo ang hamog na nagpapaalala sa mga nagdaang mga araw, na tila nangungumusta?

Pilit binabalikan, mga nakaraan at kung mangyayari pa ba sa susunod na pagkakataon. May mga bagay talaga na kung ano man ang mangyari, di na kayang balikan at patuloy na lamang na aalahanin.

Hanggang sa hindi mo na tanaw ang ningas ng liwanag, habang papalayo, sumasabay sa alon ng buhay at kung saan man papunta.

Isang napakalakas na pwersa ng emosyon ang pinapakawalan ngayon kasabay ang yakap ng umagang napakalungkot.

Tanaw sa dalampasigan ang isang simpleng buhay ang naroon. Tahol ng aso. Naglalagablab na apoy.Naghahanda sa isa na namang umaga. Maririnig ang musika sa radyo.Mahina lang. Mga gawaing tila nakagawian na.Paulit-ulit at walang pagkasawa.

Hanggang sa ang mga mata’y pipikit at hihintayin na lang ang pagyakap ng isang umaga, at alaala ng mga taong lumipas…..

Sunday, January 15, 2012

REAL BROTHERS


I just want to share this poem from my best friend & a brother. This is a late Christmas gift from him.







There’s always a certain time for everyone
When you feel you’re all alone and so down
Looked for a hand but no one is around
In this messy world they’re all just having fun

Though you know a good friend is hard to find
Still hoping you got one in your mind
Not knowing true friend is just hanging around
To figure out whom, just waiting for the right time

You always put yourself in holding your faith so tight
On this chaos world of pain you can still see the light
To have somebody and accompany you in the fight
A bright tomorrow will come to your side
Will have a peaceful life filled with joy and pride
Not lending for a help of those who criticize

But a brother is always there when you’re down and sad
Who cares for you in every way every minute of your life
Willing to spare time to make sure you’re alright
Listens to your thoughts which to others you use to hide

So treasure your brother even though they are far
Be happy to look at them in your place like a star
Be ready to get near when he calls for a pal
Reach out for his hand co’z that’s what REAL BROTHERS are……



Jay Ramz

Thursday, January 5, 2012

KLASE SA MGA PALA-INOM




KLASE SA MGA PALA-INOM

JUST SHARE THIS FUNNY BUT TRUE ARTICLES FROM MY IDOL (SINODA NAVARRO) A.K.A POPPY. TAN-AWA DAW KUNG ASA KA?

THE PASSENGER - hilig magpasa sa tagay. Sakay-sakay lang. Virgin pa ug mga atay.

THE HIKER - balhin2x ug pwesto. Likay tagay. Pwede sad likay sa chip-in.

THE FUGITIVE - pwede sad "THE BATMAN". Kalit lng mawala na walay pananghid. Kuyaw sad ug talent.

KUNG-FU- KUNG-FUlutan grabe mutira. Kani ang muhurot sa pulutan kai abi cguro nya merienda iyang giadto.

THE CHOSEN ONE - official runner sa tindahan. Palit ice, yosi ug additional shat.

THE PHOENIX- Gahi pero tighipos na lang sa kalat kai tumba na tanan.

THE DRAGON - mubuga na ug kalayo, pero sa yuta, canal or inidoro lng. Pwede sad sa katre na gitulugan. Usually naay countdown to dragon time.

THE MEDIC - usually mga PASSENGERS. Tig-asikaso sa mga dragon ug sa mga naa sa pinakaubos aning listahan.

THE CELEBRANT- araw araw birthday. Bangka japon ug storya maski wala nai ganahan maminaw.

THE SPOTCHAIR - Kini ang target sa tanan tira na seryoso or yaga yaga lng. Tao version of a pulutan.

THE SLEEPING BEAUTY - ang magduka duka sa session bisan sau pa. kung patulugon dili matulog kai kaya pa daw lagi.

THE GUNNER - kailangan pa ba ug definition? Kuyaw ni ug privilege kai pwede manikas sa shat. bisaya jokes, binisaya nga jokes, bisdak,

THE INDIAN - katong gina-text na ug grabe, pero di japon muabot. walay klaro kasabot.

THE POLICE - ang pinaka late sa tanan. pag-abot nya, hubog na tanan.


And the last but not the least……

THE TRANSFORMERs - ang pinaka-daghan ug fans pagka-ugma. Daghan nig bersyon. Naay mag-english English, naay mangita ug away, naay mubangka ug pagka daghang storya ug saba kaayo, naa say mag-ala bruce lee, naay maghukas-hukas ug magkanta-kanta, basta daghan. Basta kai ng-transform mao na na.


( special thanks to sir Poppy to share this post- Salamat sir poppy…)