Sunday, September 16, 2012

TGKK SEEN & SCENE



TGKK SEEN & SCENE

September 17, 2012

TGKK SEEN: Ang pagpalit ng profile picture ni TGKK ADMIN IRELAN DITCHON. Blooming si admin Irelan sa kanyang bagong PP.

TGKK SCENE: Ang masarap at malutong na fresh lumpia ng House of Cashews sa KCC MALL OF GENSAN. Pinu promote ng House of Cashews ang mga organic na pagkain.

TGKK SEEN: Parang buong ABS- CBN ang tumutulong na mai promote ang pelikulang THE MISTRESS. Mapabalita man at sa mga shows, todo ang kanilang promotions.

TGKK SCENE: Ang excited na si Mommy Dionisia Pacquaio sa kanyang bagong bahay sa may Barangay San Isidro.

TGKK SEEN: Ang preparasyon ng mga lugar ng Socsargen para sa 7th Brunei Indonesia Malaysia Philippines- East Asia Growth Area (BIMP-EAGA) Friendship Games. Sa darating na disyembre ang nasabing palaro.

TGKK SCENE: Ang bonggang papremyo ng RMN NETWORKS sa promo sa radyo na MILYON-MILYUNG PAPREMYO SA ANIBERSARYO. Umaabot sa 3 milyon pesos ang ipamimigay ng RMN sa pagdiriwang nito ng ika 60 na taon na anibersaryo.

TGKK SEEN: Ang ibang pulitiko na ginagamit na rin ang mga social networking sites para sa pangangampanya.


No comments:

Post a Comment