Thursday, October 25, 2012

“A BLESSING IN THE STORM” – MY EXTRAORDINARY TRIP TO BALUT ISLAND




1st part

October 20-25, 2012 are the best days happened to my  entire life- a beautiful travel to Lipol, Balut Island Sarangani Davao Del Sur.

 Isang paglalakbay na animo’y hinaharap si kamatayan sa galit ng mga alon, pero sa dakong paparoon, isang nakatagong paraiso”.


GEOGRAPICAL LOCATION OF BALUT ISLAND

Balut Island, the westernmost of the Sarangani Islands, is the larger, higher, and better cultivated than Sarangani Island. In the center of the island is Balut Volcano, which is fumarolic on occasion. With an elevation of 2,828 feet (862 m), if seen from the northwest, it appears between two peaks. Near the southwest point there is another volcano and in the southeast part is Ten Seventy Hill with an elevation of 1,083 feet (330 m). The north and east coasts are bordered by a reef, which in some places extends out over 1 mile, while on the south and west sides the fringing reef does not extend out to any distance. Off the southwest point is a rock 40 feet high. Lajan Point, the northeast point of the island, is low and covered by mangroves.  SOURCE : http://en.wikipedia.org/wiki/Balut_Island
Puting Bato Fort Gensan


At Puting Bato Port, Gensan.

OUR DEPARTURE

Isa sa mga di malilimutang byahe ang araw na ito. Ang grupo namin na kinabibilangan ni Sir Jess Wao-my mentor sa college, Jay Nofiel, Henry- SMIT students, Jefferson Canete Jr, student  and Sai, the sister of Sir jess. Ito ang unang pagkakataon na bibisita ako sa nasabing isla. Tamang tama at maganda ang panahon sa araw na yaon. Lahat ng mga mangyayari ay First time sa isip ko. Eto ang unang pagkakataon para masilayan ang ganda ng isla, unang pagkakataon para makita at makumusta ang mga
 suking tigpaminaw ng DXMD RMN GENSAN, unang pagkakataon  para masaksihan ang LIPOL GRACE ACADEMY, ang bagong paaralan, at una sa mga estudyante na magkaroon ng Intramurals 2012 .11:25 pm sa may Puting Bato Gensan lulan ng Orlan J, isang cargo vessel tinatahak na namin ang baybayin papuntang Paraiso. Maganda ang panahon. Walang unos!

1:45 AM, ( October 21, 2012) eto na! nagsisimula ng magalit ang dagat, kasabay ng malakas ng ulan at para ng dinuduyan ang Bangka na aming sinakyan! Patay lahat ng ilaw! At parang 2 storey na gusali  na alon ang makikita mo sa labas ng Bangka.Parang mga eksena sa pelikulang TITANIC lang feeling ko noon. But God saves us!


A small boat is using to transfer goods and people to island.


Below are some pictures for you to explore the hidden paradise of Balut Island.



Hot spring in Sabang Lipol Balut Island
 Arya na! we are ready to swim....







We are free! Me, Sai, Henry & Jay






 My own version of Lapu-lapu steak ala balut

 At Lipol Balut Island Sarangani Dvo del sur

 Fresh fish for breakfast awaits us.

 Beautiful sunset at Sabang Lipol Balut





More stories to read here in my blog. Just wait for some other part.






FOR YOU....

ITO AY ANG TULA NAISULAT KO PARA SA ISANG TAONG ESPESYAL SA AKIN, SA KASAGSAGAN NG PAGLALAKBAY


Ito ay ang tulang naipangakong isulat....
Kasabay ng paglalakbay sa isang paraisong nakatago...
May isang damdaming pinapakawalan para makalimot...
Pag-ibig na kailanman di magbabago...
Pero pilit na pakakawalan doon sa kabilang paraiso...

Ilang araw na tayo'y nagkakilala...di kayang iwasan ang pag-ibig na nadarama...

Pero andun yong takot na baka lumisan ka...
Sa paglalakbay na ito, tanging text mo lamang ang laging inaantay...
Sa pier patungong paraiso, ikaw ang laman ng isip...
Tanging dasal ko lamang na sana matapos ang paglalakbay na ito, muli akong 
haharap sa ano man ang gusto mo...

Sa katauhang yon, muli kong ipabatid ang tunay kong pagmamahal, na kahit masakit man hangad
ko rin ang iyong kagustuhan...

Sunday, September 23, 2012

TGKK SEEN & SCENE



TGKK SEEN & SCENE

September 24,2012

TGKK SEEN : Ang pinagdedebatihang isyu tungkol sa pelikulang The Innocence of Muslim kung dapat bang ipalabas sa bansa ang nasabing short film.

TGKK SCENE: Ang palaging napuputol na TV ads ng KCC MALL OF GENSAN. Palaging napuputol at hindi natatapos ang TV ads ng KCC MALL, at nasasapawan ng national ads.

TGKK SEEN: Ang successful na tree growing activity ng DXMD RMN GENSAN sa may Tokawal National High School.

TGKK SCENE: Sunod-sunod ang papamaril sa gensan kahapon.

TGKK SEEN: Ang mainit na pinilahan ang Starbucks na nasa SM CITY GENSAN.

TGKK SCENE:  Pinanood ni Emotero King ang trailer ng The Innocence of Muslim. Uulitin pa nito mamaya.

TGKK SEEN: Ang inaabangang bagong programa ng DXMD RMN GENSAN, kasama si Emotero King. Naka schedule na rin ang LIVE GUESTING ng mga TGKK ADMIN sa nasabing bagong programa.

TGKK SCENE: Invisible si Admin Sie sa TGKK GROUP PAGE. 

Thursday, September 20, 2012

TGKK SEEN & SCENE:



TGKK SEEN & SCENE:
September 21, 2012

TGKK SEEN: Di pahuhuli ang mga pulis sa listahan ng mga kasong involved sa extortion, kidnapping at iba pa.

TGKK SCENE: Ang balita tungkol sa isang mangingisda na taga gensan matapos itong mapatay ang pating sa laot.

TGKK SEEN: Magulo ang istilo ng buhok ni Dyll Bartolaba kanina sa MUS (Magandang Umaga socsargen). Mas maganda kung makikita ang magandang mukha ng babaeng host.

TGKK SCENE: Sa Tokawal Elementary School, idadaos ang tree growing ng DXMD RMN GENSAN bukas (September 22, 2012)

TGKK SEEN: 400 ang magiging bisita ng GENSAN mula sa bansang Brunei, Malaysia, og Indonesia para sa BIMP-EAGA FRIENDSHIP GAMES.

TGKK SCENE: Isang kahera ang binaril patay sa may Silway, GENSAN.

TGKK SEEN: Ang mas epektibong online journalist gaya ng mga bloggers.

TGKK SCENE: Di klaro ang mukha ni TGKK ADMIN Acas Nanding sa kanyang profile pic.

TGKK SEEN: Ang larong basketball ang pangunahing libangan ng mga TGKK ADMIN. Ayon sa pinagkakatiwalaang source, sa may Bigshot, MSU High school
gym at sa Lagao Gym sila naglalaro.   

Wednesday, September 19, 2012

TGKK SEEN & SCENE



TGKK SEEN & SCENE
September 20, 2012

TGKK SEEN:  Ang pinagkakaguluhang presyo ng relo ni Congressman Manny Pacquaio. Umabot sa limang milyon ang halaga ng relo ng kongresista.

TGKK SCENE: Ang napakarami at puspusan ang mga promotion ng Bear Brand. Mapa radyo, telebisyon, at sa mga grocery stores ang promo ng Nestle Philippines.

TGKK SEEN:  Ang mainit na bangayan ni Senator Antonio Trillanes IV at Senate President Juan Ponce Enrile.

TGKK SCENE: Dalawang miyembro ng PNP GENSAN na lasing na nagpaputok ng baril sa loob ng Camp fermin Lira, inalis sa pwesto.

TGKK SEEN: Ang 16 anyos na taga gensan na di umano’y ginahasa ng kaibigan ng kanyang boyfriend.

TGKK SCENE: Bangkay ng isang buntis natagpuan sa may Tampakan South Cotabato. Nasa state of decomposition na ang nasabing buntis.

TGKK SEEN: Ang araw-araw na sex stories ng YAHOO NEWS. Trending ang mga nasabing article sa yahoo.


Tuesday, September 18, 2012

TGKK SEEN & SCENE





TGKK SEEN & SCENE

September 19, 2012

TGKK SEEN:  Ang paghahanda ng gensan sa paparating na El NiƱo phenomenon. Naglaan ng pondo ang LGU GENSAN para masuportahan ang industriya ng pagsasaka sa gensan nasabing tagtuyot.

TGKK SCENE: Mas lalong panonoorin ng mga manonood ang documentary film na Innocence of Muslim dahil sa naging kontrobersyal ito lalo na sa mga Muslim.

TGKK SEEN: Ang mga Christmas songs na maririnig na sa mga FM stations sa gensan.

TGKK SCENE: Birthday ngayong araw nina Pastor Mike Sarsaba at Engr. Jeffrey Leonora ng RMN GENSAN.

TGKK SEEN: Parang galit na  galit si Joey Conception sa mga pulis involved sa kotong sa kanyang komento sa Magandang Umaga Socsargen ( MUS) .

TGKK SCENE: Ang Gensan ang host city para sa  BIMP-EAGA Friendship Games sa darating na Disyembre.

TGKK SEEN: Magaling kumanta si Acas Nanding TGKK ADMIN, ayon sa source na aming nakalap.




Monday, September 17, 2012

TGKK SEEN & SCENE




TGKK SEEN & SCENE

September 18, 2012

TGKK SEEN:Mukhang lamang na lamang ang ABS- CBN kagabi sa rating. Hindi magawang mailipat ang channel sa mga kaabang-abang at patapos na mga serye ng The princess and I, Walang Hangga, at Lorenzo’s Time.

TGKK SCENE: Ang mga balitang malapit na ang katapusan ng mundo.

TGKK SEEN: Ang di pahuhuling SUPERMARKET ng KCC MALL OF GENSAN. Mas malaki pa rin ito kumpara sa mga supermarket ng mga malls sa Gensan.

TGKK SCENE:  Ang inaabangang concert ni runner-up American Idol Season 11 Jessica Sanchez sa Pilipinas.

TGKK SEEN: Kasado na ang Pacquaio- Marquez fight sa darating na Disyembre 8 sa MGM GRAND ARENA, LAS VEGAS NEVADA.

TGKK SCENE: Isang habal-habal driver sa may landan  Polomolok, ang patay matapos itong saksakin ng di kilalang suspek.

TGKK SEEN: Ang magaling na acting performance ni Paulo Avelino sa tele seryeng Walang Hanggan.

TGKK SCENE: Ang mabilis na loading system ng VMOBILE. Makakapag online loading sa VMOBILE.