Monday, October 17, 2011

SCENE & SEEN- ONLI IN GENSAN

Scene: Nangunguna pa rin ang DXMD- RMN GENSAN sa pinaka-latest na survey ng AC NIELSEN MEDIA SURVEY sa AM BAND category, pumapangalawa ang BOMBO RADYO. Nasungkit pa rin ng K101 LOVE RADIO ang numero uno sa FM category, na sinundan ng DXCK 91.9 IFM GENSAN, ang music station ng RMN NETWORK sa GenSan.

Seen: Trending ngayon ang balita kaugnay ng pagtatalaga ni PEOPLE’S CHAMP at SARANGANI CONGRESSMAN MANNY PACQUAIO bilang LIUTENANT COL.

Scene: May bago ng pangulo ang PHILHEALTH, sa katauhan ni DR. EDUARDO P. BANZON, bilang Pangulo at CEO.

Seen: Si Paraguay habang rumarampa sa harapan ng CITY HALL ng GenSan. Sikat na sikat na ngayon si Paraguay nang maging endorser ito ng TUNA FESTIVAL 2011.

Scene: Masyadong naapektuhan si GENSAN CITY COUNCILOR NEP-NEP NATIVIDAD, nang pumanaw ang asawa nitong si FORMER CITY COUNCILOR CHITO NATIVIDAD sa sakit na blood cancer.

Seen: May mga taga GenSan hindi natutuwa at naabala sa re-routing ng lungsod dahil sa proyekto ng SM MALL na drainage system mula sa tinatayong SM MEGA MALL patungong Sarangani Bay.

Scene: Hindi maayos ang signal ng SMART kahapon, marami ang naaabalang mga text messages.

No comments:

Post a Comment